Feedback

Water Service Interruption Advisory

Ika-20 ng Oktubre, 2021

Sa Aming Mga Tagatangkilik:

Nais po naming ipabatid sa inyong kaalaman na pansamantalang mawawalan ng padaloy ng tubig ngayong araw, Oktubre 20, 2021, sa Alta Tierra Homes, Phase Nos. 3 at 4, Brgy. Aldiano Olaes, Block 15, 16 at 26, Brgy. Severino Delas Alas at bahagi ng FVR, Brgy. Poblacion 5, GMA, Cavite, sa kadahilanang ang GMAWD Pumping Station No. 14 na siyang pinagkukunan ng tubig ng inyong lugar ay kasalukuyan pong isinasa-ayos at itinatayang matatapos kinabukasan, Oktubre 21, 2021.

Ang GMAWD ay pansamantalang magpapadaloy po ng tubig simula mamayang 10:00PM hanggang 5:00AM kinabukasan. Iminumungkahi po na mag-ipon ng tubig sa mga nabanggit na oras ng padaloy. Hinihiling po namin ang inyong lubos na pakikipag-tulungan at pang-unawa.

Magkakaroon din po nang pagrarasyon ng tubig sa pamamagitan ng water trucks na iikot sa inyong lugar sa buong maghapon.

Maraming Salamat po.

Pamunuan ng GMAWD