1. Halos 70% ng katawan ng tao ay binubuo ng tubig. 2. Ang malusog na tao ay kayang uminum ng tatlong galon ( 48 Cups ) ng tubig sa isang araw. 3. Mainam sa katawan ang uminum ng walong basong tubig sa isang araw ngunit hindi ibig sabihin ay sa likidong anyo lamang nito. Marami din tayong maaaring kainin at inumin na nagtataglay din ng tubig para sa ating katawan. 4. Ang soft drinks, tea at kape bagaman halos binubuo ng tubig sa kabuuhan ay nagtataglay ng coffeine. Ang coffeine ay maaaring pumigil sa pagdaloy ng tubig sa iba’t-ibang bahagi ng katawan natin. 5. Ang tubig ang natatanging likido na may pinakamalakas na kakayahang tumunaw ng mga kemikal, mineral at mga sustansiyang kailangan sa ating katawan. 6. Kapag nauuhaw ang isang tao, halos 1% ng kabuuang tubig niya sa katawan ang nababawasan. 7. Ang timbang ng isang tao ay kaagad bumababa pagkatapos ng matinding pisikal na gawain: timbang ito mula sa tubig at hindi sa taba ng katawan. 8. Lubos na mahalaga ang tubig sa ating katawan. Maaaring mabuhay ang isang tao sa loob ng isang buwan ng walang pagkain, ngunit hindi lalampas ng isang linggo ng walang tubig. 9. Nasa pagitan ng 70-75% ang porsyentong bahagi ng lupa na nababalutan ng tubig.10. Tinatayang mayroong 326 million cubic miles ang sukat ng tubig sa buong mundo.